Local News

Lalaki patay, matapos saksakin sa Tayabas City

Patay ang isang lalaki matapos itong saksakin ng nakaalitan nito sa Barangay Lawigue, Tayabas City nitong Linggo, Marso 10.

Kinilala ang biktima na si Armado 48- anyos at ang suspek na si alyas Renato 46- anyos na parehas residente ng nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, napag alaman na bandang alas-9:50 ng umaga ng magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima at doon nagalit ang suspek at binunot ang bolo nito at sinaksak ang biktima.

Nagtamo ng saksak ang biktima sa dibdib at dinala sa hospital upang lapatan ng lunas ngunit binawian din ng buhay, habang tumakas naman ang suspek dadala ang armas na ginamit nito.

Samantala, patuloy pa rin pinaghahahanap ang suspek at inihahanda na ang kasong homicide laban dito.

BNFM Lucena

Recent Posts

Phase 1 sang mga CCTV sa Roxas City, ginbida sa pagbukas sang bag-o nga Emergency Operation Center

Madasig na nga marespondehan sang mga otoridad ang mga pumuluyo nga nagakinahanglan sang bulig bangud…

18 mins ago

Mga magsasaka sa Cabusao, Camarines Sur na apektado ng El Nino Phenomenon, naghihintay sa ayudang ibibigay mula sa Department of Agriculture

NAGA CITY – Hinihintay na rin ngayon ng mga magsasakang apketado ng matinding init ng…

56 mins ago

DOH: Kaso ng tigdas at tigdas-hangin sa Pilipinas, tumaas ng 5 beses

Kinumpirma ng Department of Health na tumaas ang kaso ng tigdas at tigdas-hangin sa bansa…

1 hour ago

Ilang mambabatas, itinutulak ang mandatory CCTV sa mga business establishment

Hinimok ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan na ang Kamara na aprubahan ang…

1 hour ago

Vehicular incidents sa first quarter ng taon sa Naga City, bumaba – NCPO

NAGA CITY - 470 na ang naitalang vehicular incidents ng Naga City Police Office, ngayong…

1 hour ago

PhilHealth, inanunsyo ang benepisyong matatanggap ng mga miyembrong may heat-related illnesses

Maari nang makapag-avail ang mga miyembro ng PhilHealth ng benepisyo para sa heat related illnesses.…

2 hours ago