Lalaki patay, matapos saksakin sa Tayabas City

Patay ang isang lalaki matapos itong saksakin ng nakaalitan nito sa Barangay Lawigue, Tayabas City nitong Linggo, Marso 10.

Kinilala ang biktima na si Armado 48- anyos at ang suspek na si alyas Renato 46- anyos na parehas residente ng nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, napag alaman na bandang alas-9:50 ng umaga ng magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima at doon nagalit ang suspek at binunot ang bolo nito at sinaksak ang biktima.

Nagtamo ng saksak ang biktima sa dibdib at dinala sa hospital upang lapatan ng lunas ngunit binawian din ng buhay, habang tumakas naman ang suspek dadala ang armas na ginamit nito.

Samantala, patuloy pa rin pinaghahahanap ang suspek at inihahanda na ang kasong homicide laban dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *