Lalaki, patay matapos sasaksakin ng sarili nitong ama sa Navotas

Patay ang isang lalaki matapos nitong magtangkang pigilan ang isang away sa pamilya. Ang suspek: ang sarili niyang ama.

Nag-ugat ang pag-aaway nang magtalo ang kinakasama ng biktima at ang ang kanyang pinsan sa mismong lugar nila sa Navotas.

Nang dumating ang suspek, sinaway niya ang nag-aaway na magkampamilya ngunit umawat rito ang biktima at sinabing huwag na lang makialam.

Ayon kay Police Major Albert Juanillo ng Navotas Police Station, agad namang naglabas ng kutsilyo ang suspek at sinaksak sa dibdib ang kanyang sariling anak.

Idineklarang dead on arrival ang suspek nang dalhin ito sa ospital at naaresto naman ang suspek matapos nitong aminin ang krimen.

Depensa ng biktima, nagpintig ang kanyang pandinig nang sabihan siya ng anak niyang anong pakialam niya sa away ng kanyang asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *