Lalaki patay nang masagasaan ng tren sa Naga City

NAGA CITY-  Halos magkalasug-lasog ang katawan  ng isang lalaki matapos na masagasaan ng tren sa Naga City.

Nakasaad sa ulat ng pulisya na bandang alas 5:35 ng hapon nang maganap ang aksidente sa riles na sakop ng Concepcion Pequeña sa may Almeda Highway malapit sa pinagtatrabahunan ng lalaki.   Napag-alaman na tumatawid sa kalsada ang biktima at naabot ng tren. Ayon sa mga rumispondeng CDRRM Personnel wala nang buhay ang lalaki.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office , sinabing ang biktima ay 50-anyos at residente ng Barangay San Felipe. Napag-alaman sa live-in partner na mahina an pandinig nito , ito aniya ang posibleng rason kung bakit hindi napansin ang tren.

Inaalam pa ng PNP ang buong pangyayari upang matukoy kung may pananagutan ang may dala ng tren o ang pamunuan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *