Lalaki, patay sa pamamaril sa Infanta, Quezon

Isang lalaki ang patay matapos itong barilin sa Purok Narra, Barangay Pilaway, Infanta, Quezon nitong Miyerkules, Pebrero 28.

Ayon sa investigator on case na si PCpl Ariane Ticiaen, nakilala ang nasawing biktima na si Manuelito Junio, 41-anyos, residente ng General, Quezon.

Sakay umano noon sa motorsiklo ang biktima patungo sa bayan ng Infanta nang barilin umano ito ng hindi pa nakikilalang suspek na lulan ng isang itim na sedan.

Binawian ng buhay ang biktima habang ang suspek naman ay agad na tumakas matapos ang insidente.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ng motibo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *