Lalaki, patay sa salpukan ng motor at suv sa Calauag, Quezon

Isang lalaki ang patay matapos ang naging salpukan ng motor at SUV sa Barangay Lungib, Calauag, Quezon nitong Linggo, Pebrero 4.

Ayon sa report, binabagtas noon ng SUV ang direksyong northbound nang makasalpukan nito ang kasalubong na motor na minamaneho ni alyas “Nilo”.

Sugatan sa aksidente ang driver ng motor habang ang backrider naman nito na kinilalang si alyas “Juan” ay idineklarang dead on arrival sa hospital.

Sa ngayon, bukas naman ang magkabilang panig sa pagkakasundo sa mga usapin hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *