Lalaki, patay sa suicide sa Norala, SoCot

KORONADAL CITY — PATAY ang isang lalaki matapos umano itong nag-suicide sa pamamagitan ng pag-inum ng insecticide, gabi ng Mayo 3 sa Purok Lambonao, Barangay BS Aquino, Norala, South Cotabato.

Kinilala ng Norala PNP ang biktima na si Franklin Libreta Adorable, 32, single, jobless at residente ng nabanggit na lugar.

Nakararanas umano ng depression biktima at madalas itong emotional ayon sa pamilya.

Bandang alas-6:00 ng gabi, Mayo 3, nakita na lamang ang biktima ng kanyang kapatid na nakahandusay na sa lupa at katabi nito ang bote ng insecticide na kalahati na lamang ang laman.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Norala PNP ngunit wala naman umanong foul play sa pagkamatay ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *