NAGA CITY – Patay ang lalaki matapos na masagasaan ng Dump Truck sa Lagonoy Camarines Sur.
Ayon sa ulat ng PNP, 5:50 ng hapon kahapon nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Felix Fuentebella Highway sakop ng Barangay San isidro, Lagonoy kung saan habang lulan ng kaniyang bisekleta ang biktimang si Medel Rivero, 52-anyos , may iniwasang motorsiklo saka naman nasagi ng truck at nasagasaan. Halos mawasak ang ulo nito.
Ang truck na pagmamay-ari ng isang Construction Supply na dala naman ni Romeo Rontas y Buendia, 49-anyos ng Matacla, Goa Camarines Sur.
Sa pakikipag usap ng Brigada News FM Naga kay PMSg Adrian Lirag, tagapagsalita ng Lagonoy MPS, inamin ng drayber na hindi nito nakita ang biktima at huli na ng malaman na nasagasaan pa ito ng hulihan na gulong ng minamanehong dump truck.
Mahaharap naman sa Reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na sa kasalukuyan ay nakapiit na ito sa Lagonoy PNP.
NAGA CITY- Problema pa rin sa lungsod ng Naga ang polusyon sa plastik sa kabila…
LEGAZPI CITY – Naarestar an sarong 25 anyos na lalaki sa isinagibong operasyon sa Purok…
LEGAZPI CITY – Nagsagibo nin Beekeeping Workshop an Albay Provincial Agricultural Office (APAO) sa Beefarm,…
LEGAZPI CITY – Pigsiyerto kan Philippine National Police – Police Regional Office 5 (PNP-PRO5) an…
Inihayag ng pamilya ni Marjorie Saquing Ancheta, ang nasawing OFW sa United Arab Emirates at…
LEGAZPI CITY - Posible na umanong masimulan ang konstruksyon ng Multi-Purpose Building sa Brgy. Dela…