Lalaki sa Camarines Sur, nasagasaan ng truck, patay

NAGA CITY – Patay ang lalaki matapos na masagasaan ng Dump Truck sa Lagonoy Camarines Sur.

Ayon sa ulat ng PNP, 5:50 ng hapon kahapon nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Felix Fuentebella Highway sakop ng Barangay San isidro, Lagonoy kung saan habang lulan ng kaniyang bisekleta ang biktimang si Medel Rivero, 52-anyos , may iniwasang motorsiklo saka naman nasagi ng truck at nasagasaan.  Halos mawasak ang ulo nito.

Ang truck na pagmamay-ari ng isang Construction Supply na dala naman ni Romeo Rontas y Buendia, 49-anyos ng Matacla, Goa Camarines Sur.

Sa pakikipag usap ng Brigada News FM Naga kay PMSg Adrian Lirag, tagapagsalita ng Lagonoy MPS, inamin ng drayber na hindi nito nakita ang biktima at huli na ng malaman na nasagasaan pa ito ng hulihan na gulong ng minamanehong dump truck.

Mahaharap naman sa Reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na sa kasalukuyan ay nakapiit na ito sa Lagonoy PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *