Lalaki sa China, sinibak sa trabaho matapos umabot sa 6 oras ang kanyang toilet breaks

Sinibak sa kanyang trabaho ang isang lalaki sa China matapos umabot sa anim na oras ang kanyang toilet breaks sa kanyang walong oras na shift sa trabaho.

Sa ulat ng Laodong daily, sinabi ng Chinese court na hindi makatwiran at normal physiologial needs ang toilet breaks ng lalaking kinilala lamang sa apelyidong “Wang” kahit binanggit niya ang health concerns at ilan pa niyang dahilan sa paggamit ng banyo.

Binanggit ni Wang na kinailangan niyang manatili sa banyo ng tatlo hanggang anim na oras araw-araw dahil sa anorectal problem noon pang 2014.

Na dismiss siya sa trabaho noong 2015 ngunit inapela niya ito sa korte.

Ngunit hindi pinaburan ng korte ang kayang apela at sinabing legal at makatwiran ang naging desisyon ng kanyang dating kumpanya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *