Lalaki sa Florida, inaresto matapos magsumbong sa mga pulis na binentahan siya ng pekeng ‘shabu’

Florida USA – Nahaharap ngayon sa kasong may kinalaman sa iligal na droga ang isang lalaki mula Spring Hill sa Florida U.S.A.

Ito ay matapos niyang ibuko ang kanyang sarili sa mga otoridad na gumagamit siya ng iligal na droga makaraang tumawag sa emergency number na 911, upang isumbong sa mga ito na binentahan umano siya ng pekeng shabu.

Ayon sa ulat, rumesponde ang mga sheriff sa sinabing lugar ng suspek na kinilalang si Thomas Eugene Colluci, at doon nila ito nadatnan na hawak ang dalawang pakete ng crystalline substance.

Isinusumbong nito sa mga pulis ang nagbenta sakanya ng shabu at humingi rin ito ng tulong na masuri ang kanyang biniling droga dahil mukhang hindi aniya ito totoo makaraang hindi niya maranasang maging “high” matapos gumamit.

Agad na dinampot ng mga otoridad si Colucci at isinailalim sa drug test. Napag-alamang positibo ang suspek sa ‘methamphetamine’ kaya’t kakaharapin nito ang kasong isasampa laban sakanya.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *