Lalaki sa HK na avid fan ng One Piece kinilala dahil sa kanyang “Largest Collection ng One Piece Memorabilia”

RECORD BREAKING ang isang lalaki na masugid na taga hanga ng anime series na “ One Piece” sa Hongkong, China na si Lam Siu Fung matapos kilalanin ito ng Guinness sa pagkakaroon ng pinaka-malaking collection ng ibat-ibang klaseng One Piece memorabilia kung saan 20,125 na One Piece Merchandise ang meron siya sa kasalukuyan.

Matatandaan na ang huling humawak ng nasabing titulo ay si Yoshikazu Sanada ng Japan kung saan naitala na meron siyang 5,656 na items ng nasabing anime series.

Ayon kay Lam “One Piece inspires my attitude towards life.” “Whenever I see my collections, they remind me of the spirit of One Piece, and remind me of my persistence in my dreams.”  Dagdag pa niya na isa rin sa dahilan kung bakit siya kumokolekta ay dahil sa kagustuhan nitong magbigay ng respeto at suporta sa mismong author ng nasabing series na si Eiichiro Oda kung saan kinilala rin ito ng Guinness bilang may pinaka-maraming na published na copies ng comic book series na One Piece na umabot hanggang sa kalahating milyon.

Ibinahagi rin ni Lam na sa lahat ng kanyang collection ang kanyang paborito ay ang “No.34 extra-large Shonen Jump magazine on 1997, dahil nakapalood daw sa magazine na ito ang unang chapter ng One Piece manga.

Samantala sa tantya ni Lam inabot ng 500,000 yuan o $73,700 ang nagastos niya sa pag iipon ng kanyang collection kung saan ito ay nakalagay sa isang 1000 square feet na warehouse na itinuring nang museum ng mga One Piece cosplayers.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *