Lalaki sa Italy, 9 na oras na tumugtog ng saxophone habang sumasailalim sa brain surgery

ISANG 35-anyos na lalaki sa Rome, Italy ang hinangaan ng netizens online matapos na mag viral ang kanyang video na tumutugtog ng saxophone habang sumasailalim sa isang brain surgery para tanggalin ang ‘tumor’ sakanyang utak.

Batay sa ulat, kinakailangang isasalim sa nasabing operasyon ang hindi na pinangalanang pasyente habang ito ay gising, nang sa gayon ay hindi mailagay sa peligro o ma kompromiso ang kanyang ‘neurological functions’.

Sa naturang pamamaraan ay maiiwasang maapektuhan ng naturang operasyon ang ‘neuronal networks’ ng pasyente na nagsisilbing gabay sa iba’t-ibang gamit o functions ng utak gaya ng pagsasalita, pagbilang, paggalaw at iba pa.

Inabot ng siyam na oras bago natapos ang surgery at maswerte namang naging matagumpay ito at kasalukuyan nang nagpapagaling sakanyang bahay ang pasyente.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *