Human Interest

Lalaki sa Quebec, nabasag ang Guinness record matapos mag video game ng 44 na oras

44 na oras na nagbabad sa online video game ang isang lalaki sa Quebec daan para makuha nito ang Guinness record para sa longest video game marathon.

Ayon kay Bobby Gamache, dapat sana ay tatapusin niya at ng kanyang kapatid na si Mathieu sa 34 na oras paglalaro ng World of Warcraft sa kanilang streaming channel na Twitch pero napansin nilang mayroong humahabol sa parehong Guinness record at malapit na ang mga ito sa 40-hour mark.

Dahil dito, mas nagi umano siyang determinado na ituloy pa ang paglalaro ng karagdagang 12 oras at nagawa nga nito.

Nagtala si Gamache ng final time na 44 hours, 44 minutes and 44 seconds daan para makuha niya ang Guinness World Record para sa longest video game marathon sa pamamagitan ng massively multiplayer online role-playing game o MMORPG.

Anya, para manatili siyang gising sa buong oras ng paglalaro ay kumain siya ng healthy foods, lagi siyang may kausap kaya aktibo rin siya sa chat at kaunting break.

Mababatid na ang gamer mula Florida na si Ian Haimes ang dating may hawak ng Guinness World Record para sa longest video gaming sa oras na 32 hours at 34 seconds na nagawa nito noong 2017.###

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

20 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

20 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

20 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

20 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

20 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

20 hours ago