Lalaki sa Taiwan, nabingi matapos matulog habang suot ang earphones

Taiwan— Isa ka ba sa mga mahilig gumamit ng earphones para makinig ng musika habang nasa biyahe? Habang nag e-exercise at habang natutulog?

Kunting ingat lamang mga Ka-Brigada, dahil naiulat sa bansang Taiwan ang pagkabingi ng isang lalaking estudyante matapos itong matulog habang suot ang kanyang earphones.

Kinumpirma ni Dr. Tian Huiji ng Taiwan’s Asia University Hospital na isa sakanilang mga estudyante ang temporaryong nawalan ng pandinig makaraang makatulog habang nakikinig ng musika gamit ang kanyang earphones.

San pagpapaliwanag ni Dr. Huiji, mas mataas kase ang tiyansa na mabingi ang isang taong gumagamit ng earphones habang tulog kaysa sa mga gising.

Ito ay sa kadahilanang bumabagal ang sirkulasyon ng dugo sa katawan ng tao habang nagpapahinga kaya’t nagkukulang ang suplay ng dugo na nagre-resulta ng pagkabingi habang ang hair cells ng ating tenga ay stimulated ng sound waves mula sa earphones.

Nanatili ng limang araw sa ospital ang naturang estudyante at sa kabutihang palad ay bumalik pa ang pandinig nito.

Payo ng mga eksperto, ipahinga ng sampung minuto ang tenga sa loob ng bawat 50 minuto na paggamit ng earphones upang maiwasan ang posibleng pagkabingi.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *