Lalaki sa Turkey na nagpaopera para palakihin ang ari, imbes na humaba, lumiit?

Sa mga kalalakihan mahalaga ba talagang dapat malaki ang hinaharap?

Paano na lang kung ipinanganak kang may maliit na pag-aari, gagawin mo ba ang lahat para ito’y mapalaki?

‘Yan ang ginawa ng isang lalaki sa Turkey na kung saan para lumaki ang kanyang ari, ito’y sumailalim sa isang  enlargement surgery.

Sa naging pahayag ng lalaki, siya ay pinangakuan umano ng doktor na mas hahaba ang kanyang ari nang tatlong sentimetro o mahigit isang pulgada.

Pero matapos ang naturang operasyon, imbes na humaba, nabawasan pa ito ng isang sentimetro.

Kaya ang naturang lalaki ay dismayado sa naging resulta at nagkaroon pa ng mga peklat.

Sa ngayon, hindi makalakad ang naturang lalaki at nagpapagaling na.

Pero saad naman ng doktor na ang problema aniya mismong anatomical structuring lalaki kaya raw nabigong mapahaba ang ari nito at hindi rind aw siya umano nangako ng anumang sukat na maidadagdag sa kanyang ari.

Sa ngayon sinampahan na ng lalalaki ang doktor na nag-opera sa kanyang ari. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *