Lalaki, sugatan sa pananaksak sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang lalaki sa pananaksak sa isang construction site sa bayan ng Candelaria, Quezon nitong Miyerkules, Pebrero 21.

Ayon sa police report, nasa loob noon ng barracks ang biktimang si “Marcelino”, 48-anyos, nang dumating ang suspek at walang anu-ano itong sinaksak sa leeg.

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima habang ang mga suspek ay tumakas dala ang patalim na ginamit nito.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang mga operasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *