Lalaki, tiklo sa drug buy-bust sa Guinobatan, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Maguiron, bayan ng Guinobatan, Albay.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Pedro na positibong kumagat sa pain matapos pagbentahan ang poseur buyer ng isang pakete na pinaniniwalaang “shabu.”

Nang magkaabutan na ng drug items, dito na hinuli ang suspek kung saan narekober pa sa kanya ang dalawang medium heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng kaparehong item at may timbang na 10 grams na nagkakahalagang PHP68,000 at ibang non-drug items.

Ang suspek ay nasa kostudiya na ng pulisya habang inihahanda naman ang kasong isasampa na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *