Lalaki, tinaga ng karet ng kainuman sa Tayabas City

Sugatan ang isang lalaki matapos umano itong tagain ng kanyang kainuman sa Barangay Mate, Tayabas City nitong Linggo, Enero 28.

Ayon sa police report, nag-iinuman noon ang suspek na si alyas “Junar” at ang biktima nang magkaroon ng sagutan sa pagitan ng mga ito na nauwi sa pananaga ng suspek sa biktima.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa mukha kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas habang ang suspek naman ay nadakip ng awtoridad kalaunan.

Samantala, kasalukuyan ng nagpapagaling ang biktima habang ang suspek naman ay nasa kustodiya ng Tayabas City Police Station habang inihahanda ang kaukulang reklamong Frustrated Homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *