Lalaki, tinambangan umano sa bayan ng Busuanga, Palawan

Tinambangan umano ng tatlong kalalakihan at tinutukan ng baril si Norbil Dabuit habang tinatahak ang daan mula Airport Road ng Francisco Reyes Airport at Kiwit Road noong Lunes ng hapon, April 1.

Ayon sa salaysay ng umano’y biktima sa awtoridad ng Coron Municipal Police Station, hinarang umano sya ng mga kalalakihan habang sakay ng kanyang motorsiklo.

Tinutukan umano sya ng baril ng tatlong kalalakihan at sapilitang kinuha ang dala nyang pera na nagkakahalaga ng ₱22,000.00 tsaka umano sila umalis at iniwan sya sa tabi ng kalsada.

Agad na inimbestigahan ng PNP Coron ang di umano’y pananambang at agad nagkasa ng pagpapatrolya sa lugar na susundan naman ng backtracking sa mga dinaanan ng di umano’y biktima ng panghoholdap.

Sa kasalukuyan, hindi pa umano mabeberipika ng kapulisan ng Coron ang nasabing pananambang habang inimbestigahan pa nila ang naturang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *