Lalaking binully, sinaksak ng samurai ang nambully sa kanya sa Navotas

Inaresto ng mga tauhan ng Navotas City Police Station (NCPS) ang isang lalaki matapos nitong sinaksak ng samurai ang nambully sa kanya sa Navotas City.

Kinilala ni NCPS Chief Col. Mario Cortes ang suspek na si Christian James Bandillo – 20 anyos.

Kita sa CCTV na hinampas ng biktima ang ulo ni Bandillo.

Dahil dito, nagmamadali itong bumalik sa kanyang bahay upang kunin ang 24-inch samurai at doon na pinagsasaksak ang biktima.

Sa ngayon, nagpapagaling ang biktima sa Tondo Medical Center.

Samantala, hindi naman itinanggi ng suspek ang krimen at sinabing nandilim ang kanyang paningin sa ginawa nitong pambu-bully.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *