Lalaking may kinakaharap na kasong murder sa Valenzuela City naaresto sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE – Isang lalaking may kinakaharap na kasong pagpatay sa Valenzuela City ang naaresto ng mga pinagsanib pwersa ng mga otoridad bandang 12:15 ng umaga, nitong Mayo 26, 2021 sa Purok 1, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang akusado na si Fernando Lopez Y Serrano, 55 anyos, drayber ng tricycle at residente ng nabanggit na lugar.

 Si LOPEZ ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong “Murder” na may petsang February 8, 2013 at walang rekomendadong piyansa..

Ang arestado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *