Lalaking miyembro ng Alim Theft and Robbery Group natimbog ng mga otoridad sa ikinasang buybust operation Sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isang lalaki na pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng mga otoridad alas 9:50 ng umaga, June 8, 2021 sa Purok 4,  Brgy.V, Daet, Camarines Norte.

Ang dinakip isa sa miyembro ng Alim Theft and Robbery Group at kasama sa listahan ng Street Level Individual ng PNP

Kinilala itong si JAY ARIOLA GUTIERREZ, 30 anyos at residente  ng Purok 4, Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte.

Nakuha sa nasabing operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:

• Isang (1) pirasong  pakete ng hinihinalang  “Shabu” (buy-bust drug item);

• Isang (1) orange pouch wallet  na naglalaman ng isang (1) pirasong limang daang piso na may serial number na AB110864 (buy-bust money)

• Isang (1) katamtamang pakete na naglalaman ng limang (5) pirasong maliliit na pakete ng hinihinalang shabu.

Umaabot sa tatlong libong piso ang halaga ng mga nakuhang iligal na droga at may timbang na humigit kumulang isang (1) gramo.

Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng RA 9165 laban sa nasabing suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *