Lalaking naaktuhang nagnanakaw ng internet cable wire sa Maynila, arestado

Arestado ang isang lalaki makaraang maaktuhan ng mga operatiba ng Malate Police Station 9, na nagnanakaw ng internet cable wire sa Adriatico Street, Barangay 719, Malate, Manila.

Ayon kay MPD Station 9 commander PLTCOL Nelson Cortez, kinilala ang suspek na si Christhoper De Leon, na miyembro ng Bahala Na Gang.

Base sa ulat, nagpagpaptrolya ang kapulisan ng maispatan ang lalaki sa isang poste kung saan nilalagari ang kable ng isang internet provider.

Agad na sinita ang suspek at pinababa sa poste kung saan nakumpiska rito ang ginamit sa pagnanakaw.

Narekober din ang 12 metro ng kable ng internet, na aabot sa halagang P60,000.00.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10515 at Theft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *