Lalaking nagpaputok ng baril dahil sa kalasingan naaresto ng mga otoridad

CAMARINES NORTE- Naaresto ng mga operatiba ng Labo MPS ang isang lalaki matapos na magpaputok ng baril  nitong Mayo 26, 2021, bandang 11:30 ng gabi sa Sitio Cabungahan, Barangay Cabatuhan, Labo, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si RAMIL ONIA y Mayo, 34 anyos at  residente ng Barangay Don Tomas, Sta Elena, Camarines Norte

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, iniulat umano sa Labo MPS ni Barangay Captain Dante L Balug ng Barangay Cabatuhan, Labo, na ang naturang suspek ay ngpaputok ng di pa nakikilang uri ng baril sa nasabing lugar at ito umano ay lango sa alak.

Bunsod nito, agad na nagtungo ang kapulisan ng Labo MPS sa nasabing lugar upang kumrpimahin ang ipinarating na impormasyon kung saan nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakakumpiska ng Isang (1) kalibre .38 revolver, ARMSCOR 2015 na may limang (5) pinaputok na bala at isang (1) bala na di pa naipuputok.

Napagalaman na ang baril na gamit ng suspek ay walang mga kaukulang dokumento

Sa kasalukuyan inihahanda nan g Labo MPS ang pagsampa ng kasong paglabag sa RA 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *