Lalaking nakararanas ng depresyon umakyat sa tower ng kuryente, nailigtas

San Luis, Batangas -Matagumpay na nailigtas at naibaba ang isang lalaki nakararanas ng depresyon ng umakyat ito sa high votage tower transmission tower sa Barangay Calumpang East, San Luis, Batangas, kahapon.

Base sa impormasyon, una nang nakatanggap ng tawag si SFO2 Michael Vergara ukol sa umano’y magpapakamatay na indibidiwal nang umakyat nga ito sa transmission tower sa naturang barangay.

Agad din nakipag-ugnayan ang BFP San Luis sa MDRRMO upang mailigtas ang isang lalaki.

Halos magdadalawang oras na tumagal ang rescue operation kung saan inakyat pa ng mga kagawad ng pamatay sunog ang tower ng kuryente upang kumbinsihin na bumaba ang lalaki.

Sinasabing nakararanas ng matinding depresyon ang lalaki nang umakyat ito sa tuktok ng tower.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *