Lalaking nanghipo sa isang resort sa Batangas, arestado

Arestado ang isang lalaki matapos manghipo ng isang naliligo sa swimming pool sa Nasugbu, Batangas.

Sa salaysay ng biktima, biglaan na lamang siyang nilapitan ng suspek habang naliligo sa pool.

Hinawakan at piniga aniya ng salarin ang maselang bahagi ng katawan ng biktima habang nakababad sa pool.

Agad na isinumbong ng biktima sa pamunuan ng resort ang naturang insidente na siyang dahilan ng pagkaaresto ng suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *