Lalaking regional level most wanted person sa kasong murder, huli sa Tiaong, Quezon

Huli ang isang lalaking umano’y Regional Level Most Wanted Person sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Cabay, Tiaong, Quezon nitong Sabado, Enero 20.

Sa bisa ng warrant of arrest, nadakip ang akusado na kinilalang si alyas Jobert, 45-anyos at residente ng nasabing lugar.

Ang akusado ay may kinakaharap na kasong Murder sa ilalim ng criminal case number 2012-666 at walang inirerekomendang piyansa.

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *