Lalaking tulak umano ng iligal na droga natimbog ng Paracale police sa buy bust operation

CAMARINES NORTE – Timbog sa buy bust operation ng mga operatiba ng Paracale Municipal Police Station ang isa umanong tulak ng iligal na droga Martes ng gabi sa Purok 2, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Ayon sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office kinilala ang suspek na si alyas Ian, 46 anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha mula sa pag- iingat ng suspek ang tinatayang 1 gramo ng iligal na droga na may kabuuang halaga na Php 6,800.00. Nasa kustodiya na ng Paracale MPS ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 gayundin ang mga nakuhang ebedensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *