Human Interest

Lalaking tumunganga lang ng 2 oras sakanyang vlog humakot ng 5-millon views

Indonesia– Habang ang ibang vlogger ay nahihirapan sa pag-iisip ng content para makahakot ng maraming views at likes sa Youtube, isang youtuber mula sa Indonesia ang effortless na humakot ng milyong-milyong views sakanyang naisip na content.

Dalawang oras lang naman siyang tumunganga sa kanyang vlog at sa hindi inaasahang pangyayari humakot ito ng 5-Million views.

Ang uploader ng naturang video ay si Ruselle Peters, o mas kilala bilang Sobat Miskin Official sa kanyang Youtube channel. Sa account na ito makikita ang kanyang mga kakaibang content na hindi karaniwang ginagawa ng maraming vlogger

Kagaya nalamang ng kanyang video na umani ng milyong views at likes  dahil sa pagtunganga niya sa dalawang oras na vlog.

Sa unang tingin, aakalain mong may kakaibang mangyayari ngunit natapos na ang naturang video hindi  pa rin gumagalaw si Ruselle, dalawang oras siyang nakatunganga sa camera habang walang bahid ng emosyon ang kanyang mukha.

Hindi mo aakalaing ang ganitong klaseng video ay tatangkilikin ng marami, wala mang kwentang maituturing ang kanyang video ang mahalaga ay nakapag bigay aliw siya sa mga manunuod sa kabila ng poker face niyang mukha.|| CHRISTINE RAÑA

BNFM Bicol

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

2 days ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

2 days ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

2 days ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

2 days ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

2 days ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

2 days ago