Lalaking umakyat sa Mt. Kinabalu sa Malaysia , namatay dahil sa hinihinalang acute mountain sickness

Isang 45-anyos na lalaki na umakyat sa Mount Kinabalu, Malaysia ang namatay dahil sa hinihinalang acute mountain sickness .

Ayon kay Sabah Tourism, Culture and Environment Minister Christina Liew, binawian ng buhay sa Ranau Hospital si Alexzander Kueh na isang Malaysian.

Si Kueh at ang kanyang asawa, ay dumating sa base camp lodging sa Panalaban.

Unang nagreklamo ng pananakit ng ulo at hirap sa paghinga ang asawa ng biktima. Agad naman dumating ang Mountain Search and Rescue team matapos humingi ng tulong ang dalawa.

Ngunit nang pababa ng bundok, nagsimulang makaranas ng hirap sa paghinga at cramps si Kueh.

Batay sa mga sintomas, pinaniniwalaang AMS ang sanhi ng pagkamatay nito

Naiulat naman stable na ang kondisyon ng kanyang asawa.

Pinayuhan naman ng tourism official na maging pisikal na handa bago makipagsapalaran sa pag-akyat sa Mount Kinabalu na isa pinakamataas na bundok sa Malaysia.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *