Lalaking wanted sa 2 counts ng kasong rape, huli sa Lopez, Quezon

Huli ang isang lalaking umano’y Regional Level Most Wanted Person matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad za Barangay Bagong Barrio, Pandi, Bulacan nitong Lunes, Pebrero 26.

Sa pagtutulungan ng 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company, at ng mga kapulisan mula sa Lopez, Meycauayan at Bulacan, nadakip ang akusado na kinilalang si alyas “Marvin”, 29-anyos, residente ng Brgy. Pansol, Lopez, Quezon.

Si alyas Marvin ay may kinakaharap na kasong 2 counts ng Rape sa Regional Trial Court, Branch 63, Calauag, Quezon at walang inirerekomendang piyansa.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *