Lalalaking itinuturing na Top 2 Municipal Level at 4th Most Wanted Person sa Bulacan, arestado na

Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang lalaking itinuturing na Top 2 Municipal Level at 4th Most Wanted Person na may kaugnayan sa illegal na droga sa ginawang operasyon sa Brgy. Ibayo, Marilao, Bulacan.

Kinilala ng Bulacan Police Provincial Office ang suspek na si Ryan Alegre Cepal, apatnapung limang taon at residente ng Payatas, St. Brgy. Libtong, Meycauayan City, Bulacan.

Humaharap ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa Sek. 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act sa Region Trial Court Branch 11 sa Malolos City Bulacan.

Ang nasabing kaso ay pupwedeng pyansahan ng dalawang raang libong piso.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Marilao Police Station at Bulacan PIT ang nasabing suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *