Idineklarang nasa ilalim ngayon ng State of Calamity ang buong Palawan dahil sa mataas na COVID-19 cases sa lalawigan.
Ayon kay Board Member Ryan Dagsa Maminta, sumang-ayon ang Provincial Board sa rekomendasyon na ito ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kahapon, June 8 ay bumuo ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan na nagdedeklara nito.
Sa pamamagitan ng deklarasyong ito ay inaasahan na matutugunan pa lalo ang COVID-19 response ng mga Lokal na Pamahalaan.