Lamat sa relasyon ng Duterte at Marcos, posible raw makaapekto sa ICC probe

Malaking bagay raw na nagbabago na ang posisyon ng pamahalaan pagdating sa imbestigasyon ng ICC sa madugong war on drugs campaign ng nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Atty. Neri Colmenares, sinabi nitong dahil daw kasi dito, mas magiging maluwag na ang pagkuha ng impormasyon at mga datos, at may mga ahensya rin ng pamahalaan na magiging bukas makipag-cooperate sa international court.

Maliban dito, isa pa sa binigyang-diin ni Colmenares ay ang nagiging lamat sa pagitan ng Duterte at Marcos.

Aniya, maraming posibleng mangyari dahil sa hidwaan ng nasabing mga political families na posibleng makaapekto sa ICC investigation.

Matatandaang sinabi rin ni Colmenares na posibleng sisimulan ng international court ang field investigation kasabay ng paghahanap nito ng mga interpreters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *