Local News

Lamitan City binulabog ng malakas na pagsabog kagabi

Binulabog ng malakas na pagsabog ang Lamitan City , dakong alas 6:30 kagabi

Sa panayam ng 89.9 Brigada News FM Zamboanga sa mismong hepe ng Lamitan City Police Station Police Major Nurhaib Bungkac,  nangyari ang pag sabog sa harap mismo ng  Lamitan City Hall sa may Barangay Maganda sa Probinisya ng Basilan.

Ayon kay Major Bungkac base sa kanilang pangangalap na imporasyon , bago umano mangyari ang insidente merong umanong dalawang suspek na nakasakay sa  motorsiklo at may kargang bag ng bigla umano nitong tinapon ang nasabing bag na posibleng naglalaman ng Improvised Explosive Device o IED sa gilid ng gate tsaka ito sumabog.

Dagdag ni Bungkac wala namang nasaktan sa insidente, ngunit nasira ang ilang bahagi ng pader ng Lamitan City Hall , nasira ang  water pipe sa lugar  at nabasag rin ang salamin ng ilang mga sasakyan na naka parada sa labas ng City Hall,  base sa statement na ibingay ng ilang mga residente sa lugar,  sakay umano ang dalawang suspek sa isang honda click na kulay puti ng mangyari ang insidente

Agad naman rumisponde and miyembro ng Pulis at Militar sa lugar.

Dahil dito agad namang nag Dagdag ng ilang mga military checkpoints ang tropa ng Joint Task Force Basilan at mas lalong hinigpitan ang seguridad sa Lungsod.

Sa ngayon ay patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon  ng otoridad hinggil sa nasabing insidente upang malaman kung sino ang nasalikod ng pagpapasabog. Kathrina Aniñon

BNFM National

Recent Posts

3 ka NPA misurender sa Davao de Oro

Mitahan ang tulo ka mga kanhing miyembro sa Dismantled Guerrilla Front 2 sa 25IB, sa…

14 mins ago

Laborer, gigulgolan sa iyang kainum; lalis sa relihiyon hinungdan sa krimen

Kasong murder ang atubangon sa suspek nga migulgol-patay sa usaka laborer kagahapon sa kadlawon sa…

19 mins ago

Schedule ng satellite voter registration sa bayan ng Basud ngayong buwan inilabas ng Comelec

CAMARINES NORTE - Inilabas ng Commission on Elections ang schedule ng satellite voter registration sa…

42 mins ago

Archbishop  Alarcon “mix emotions” pa rin sa kaniyang paglisan sa Diocese of Daet

CAMARINES NORTE - “Thank you from the bottom of my heart”! Ito ang mga katagang…

46 mins ago

Imahe ni Ina at Divino Rostro ibabalik sa katedral mamayang hapon

CAMARINES NORTE - Nakatakdang ibalik sa Holy Trinity Cathedral, mamayang hapon ang imahe ng mahal…

50 mins ago

College of consultors maghahalal ng Diocesan Administrator habang naghihintay ng bagong Obispo ng Daet

CAMARINES NORTE - Simula ngayong araw ay “sede vacante” na vacant seat ang Diocese of…

52 mins ago