Breaking News

Landbank at DBP, pag-iisahin – Diokno

Posibleng pag-isahin na ang Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ito ang inanunsiyo ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa isinagawang press briefing ngayong araw ng Martes, Marso 28.

Ayon kay Diokno, ang pagsasanib ng dalawang bangko ay napag-usapan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang economic cluster.

Sakali umanong matuloy ang DBP-Landbank merger ay ito na ang maituturing na numero unong bangko sa bansa.

“By merging the two, it will now become the number one bank in the Philippines ahead of Banco de Oro in terms of assets,” ani Diokno.

Dagdag pa nito na ang naturang proposal ay suportado ng pangulo at handa niya itong isakatuparan.

Sa ngayon ay 752 branches ang Landbank habang ang DBP naman ay mayroong 147 branches.

BNFM Batangas

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

14 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

14 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

14 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

14 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

14 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago