Landbank sinisikap na mabigyan ng bank accounts ang 3.8-million national ID registrants

Sinisikap na ngayon ng state-run lender na Land Bank of the Philippines na maipasok ang mga unbanked Filipinos sa formal banking system bilang suporta sa financial inclusion agenda ng pamahalaang nasyunal.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Landbank na nagawa naitong ma-onboard ang mahigit 3.79-million na unbanked National ID registrants para sa transaction accounts as of May 31.

Ipinunto ng lender na mula sa nasabing bilang ng onboarded individuals, ay nasa mahigit 1.07-million ang nakatanggap na ng kanilang Landbank Agent Banking Cards (ABCs).

Mababatid na ang mga cards na naibigay ng libre at walang initial deposit requirement ay bahagi ng nagpapatuloy na partnership ng Landbank sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa Philippine Identification System rollouts sa buong bansa, at mabigyan ang unbanked registrants ng sarili nilang transaction accounts.

Ibinibigay ang Landbank ABCs sa mga unbanked PhilSys registrants sa pamamagitan ng Landbook account opening boths at designated co-location areas.

Nitong katatapos lamang na May 2021 ay nagawa ng lender na ico-lovate ang mahigit 850 PhilSys registration centers sa 32 pilot provinces sa buong bansa.

Sinabi ng lender na pwedeng gamitin ng account holders ang ABCs ng Landbank para sa cash-in, cash-out at transfer funds sa anuman Landbank branch o agent banking partner.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *