Laos nagtala ng kauna-unahang COVID-19 related death

Naitala ng Laos ang kauna-unahang COVID-19 related death sa kanilang bansa matapos ang mahigit isang taon ng pandemya.

Ayon sa report, isang 53 anyos na babaeng karaoke club worker ang namatay na sinasabing mayroong kumplikasyon ng diabetes at ibang medical issues.

Base sa tala ng Laos, naitala noong Sabado ang total na 1,233 cases kung saan 1,184 dito ang naitala noong nakaraang buwan.

Sa nasabing bilang, mayorya ng mga kaso ang mula sa older group na mayroong health conditions.

Napag-alamang nakakaranas ngayon ng surge ng COVID-19 cases ang Laos.

Sa kasalukuyan ay nasa 184,387 ang mga nabakunahan ng anti-COVID 19 mula sa 7.28 million na populasyon ng Laos. (LEO NAVARRO-MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *