League of Cities of the Philippines, suportado ang United Philippines

Parehong tutol ang League of Cities of the Philippines o LCP at ang Union of Local Authorities of the Philippines o ULAP sa itinutulak na paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Sa magkahiwalay na statement na inilabas ng dalawang grupo, binanggit nilang suportado nila ang panawagan ng Department of the Interior and Local Government o DILG para sa nagkakaisa at iisang Pilipinas.

Sa statement support ng LCP, sinabi ng kanilang Presidente at Cebu City mayor Michael Rama na isinusulong nila ang unity para sa tuloy-tuloy na pagkamit ng kapayapaan, progreso at kasaganahan.

Habang ang ULAP ay isinusulong naman ang One nation, United at Undivided Philippines, kasabay ang panawagan sa lahat kasama na ang mga community groups at mga civil society organizations na magtulungan para makamit ang inclusive at sustainable development sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *