‘Learning gaps,’ mapupunuan sa maagang implementasyon ng F2F classes – DepEd Sorsogon City

SORSOGON CITY – Nauna na ang DepEd Sorsogon City na magpatupad ng face to face classes bago pa man ang full implementation nito ngayong buwan ng Nobyembre.

Ito ang kinumpirma ni  DepEd Sorsogon City Division Superintendent William Gando sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM.

Paliwanag ng opisyal, kinailangan kasi umano nilang makipagsapalaran at sumugal lalo pa at kanilang nakita na sa kabila ng kanilang mga pagsisikap na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang learning modalities at mga estratehiya ay mas lumala at talagang apektado ang kalidad ng edukasyon na nakuha ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya.

Aniya, batid din kasi umano nila na wala nang mas pinakamahusay na learning modality kundi ang harapan na pagtuturo ng isang guro sa kanyang mga estudyante. Matatandaan na sa pagbubukas pa lamang ng School Year 2022-2023 noong buwan ng Agosto ay full face to face na ang ipinatupad sa mga paaralan sa lungsod kung saan ang mga mag-aaral ay pumapasok mula araw ng Lunes hanggang Biyernes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *