Lebron, Lakers tinanggalan ng korona ng Suns, 113-100

Bigo ang Los Angeles Lakers na maidepensa ang korona laban sa Phoenix Suns matapos itong talunin sa Game 6 sa unang round ng NBA Playoffs.

Umpisa palang ng laban ay dinikdik na ng Suns ang Lakers sa pamamagitan ng mainit na shooting ni Devin Booker na nagpakawala ng 7 3-point shot sa first half.

Nagtala ng kabuoang 47 points si Booker na dinagdagan ni veteran guard Chris Paul ng 8 puntos at 12 assists.

Samantala pinilit pa ng Lakers na lumaban subalit sa bawat pagtatangka nitong makalapit ay may sagot agad ang Phoenix.

Umabot sa 29 puntos ang pinakamalaking lamang ng Suns.

Ito ang unang pagkakataon na na-eliminate si Lebron James sa unang round pa lamang ng playoffs.

Humakot si James ng 29 points at 9 rebounds.

Sa ibang laro, tanggal na rin sa playoffs ang Portland Trailblazers matapos talunin ng Denver Nuggets, 126-115 sa Game 6 ng kanilang serye para iposte ang 4-2 record.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *