Sports

LeBron, naitala ang kaniyang season-high 39 points sa Lakers vs Pacers game

Naitala ni LeBron James ang kaniyang season-high 39 points, kabilang na ang seven points sa overtime sa naipanalong laro ng Los Angeles Lakers kontra Indiana Pacers na nagtapos sa 124-116.

Sa malaking bahagi ng laro ay kinailangan ng Lakers na maghabol sa score.

Unti-unti naman nakabawi ang Los Angeles, lalo na sa huling bahagi ng fourth quarter.

Nagawa naman ng Los Angeles na makalayo sa pamamagitan ng six-point lead nito sa tulong ng magkakasunod na tira ni LeBron sa huling 1:17 ng fourth quarter.

Pero dahil sa dalawang three pointer nina Justin Holiday at Chris Duarte sa huling 27.3 seconds ay naitabla ang score sa fourth quarter.

Nakontrol naman ng Los Angeles ang extra period, kung saan ay nalimitahan ang Pacers sa apat na puntos.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago