LeBron, pinangunahan ang Lakers sa pagpapatalsik sa Grizzlies sa Game 4 OT win

Pinangunahan ni LeBron James ang overtime rally para bigyan ang Los Angeles Lakers ng commanding series laban sa Memphis Grizzlies sa pamamagitan ng 117-111 panalo sa Game 4 ng kanilang Western Conference playoff match-up.

Lamang na ng dalawang panalo ang Lakers sa serye, 3-1.

Nagtapos si James ng 22 points, 20 rebounds at pitong assists at nasungkit ang game-tying driving layup sa 0.8 segundo na nalalabi sa fourth quarter para puwersahin ang overtime.

Mahusay na na-marshall ni James ang Lakers sa overtime, umiskor ng apat na puntos para makita ng Lakers ang conference semifinals.

Naging maayos ang posisyon ng Memphis para ipantay ang serye matapos magbukas ng pitong puntos na kalamangan may mahigit limang minuto na lang ang natitira sa fourth quarter.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Lakers upang makapasok sa susunod na round. Babalik naman ang laro sa homecourt ng Grizzlies para sa Game 5.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *