Legazpi CHO, nilinaw na hindi ipinagbabawal ang paninigarilyo bagkus ito ay nireregulate lamang

Nilinaw ng Legazpi City Health Office na hindi naman ipinagbabawal ang paninigarilyo, bagkus ito ay nireregulate lamang.

Ayon kay Dr. Fulbert Gillego ng nasabing opisina, ang bawat establisimento o barangay at lokal na pamahalaan ay mayroong lugar na itinalaga sa paninigarilyo.

Ang Smoke-Free Program ng Legazpi City ay nagsimula sa pagpapatupad ng Ordinance No. 0007-2009 o ang binagong smoke-free na batas na inakda ng dating konsehal na kasalukuyang Albay 2nd district Board Member Roly Rosal.

Ang ordinansa ay pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod at inaprubahan ng kasalukuyang alkalde na si Geraldine Rosal noong 2009.

Sa loob ng tatlong magkakasunod na taon mula 2010 hanggang 2013, ang pamahalaang panlunsod ng Legazpi ay tumanggap ng Red Orchid at Hall of Fame awards mula sa Department of Health (DOH) para sa epektibong pagpapatupad nito ng anti-cigarette smoking campaign.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *