Local News

Legazpi City Agricultures Office, nanawagan sa ilang benepisyaryo ng RSBSA na maging tapat patungkol sa kanilang lupang sinasaka

LEGAZPI CITY – Nanawagan ang City Agricultures Office ng Legazpi sa mga magsasakang benepisyaryo ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng Department of Agriculture (DA) na maging tapat sa pagbibigay ng impormasyon sa ahensya patungkol sa mga lupang sinasaka nila.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Shiela R. Nas ng nasabing tanggapan, kanyang sinabi na may iilang mga magsasaka na hindi nagiging tapat sa pagbibigay ng tamang impormasyon patungkol sa lupang kanilang sinasaka, ito ay matapos na lumabas sa kanilang monitoring na may mga magsasakang malawak ang lupang nakalista sa kanilang opisina, ngunit kakaunti lamang ang nailalabas na produkto.

Sinigurado naman ni Nas na masosolusyunan ng kanilang ahensya ang ganitong mga problema sa kanilang programa, sapagkat magpapatupad na sila ng Geo-Tagging, kung saan mayroon na silang tauhan na pupunta mismo sa mga lupa ng kanilang mga benisyaryo upang beripikahin kung ilan nga ba ang tamang sukat ng lupang kanilang sinasaka at kung sino nga ba ang tunay na may-ari nito.

Kung matatandaan, ang mga magsasakang kabilang sa RSBSA ay nakakatanggap mula sa gobyerno ng mga libreng farm inputs tulad ng abono, binhi at maging cash assistance kung kaya maraming mga magsasaka ang mahihikayat magpalista sa programang ito ng DA. | JEFFREY ALTAVANO

BNFM Legazpi

Recent Posts

727 athletes at coaches ng Naga City nasa Legaspi City na para sa Palarong Bicol 2024

NAGA CITY – Nasa Legaspi City na ngayon ang buong team ng mga manlalaro ng…

2 mins ago

Mga bakawan sa Calabanga, Camarines Sur, kulang na kulang pa; kakaunting supply ng isda at ipa pang lamang dagat, problema pa rin

CAMARINES SUR - Kulang na kulang pa ang bakawan sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur,…

11 mins ago

Estudyante patay matapos barilin sa loob ng bahay habang sumasagot ng modules sa Cebu

Patay matapos malapitang pagbabarilin ang 14-anyos na babae sa loob mismo ng kanyang bahay habang…

15 mins ago

Minor na nahuli sa panibagong Anti-Drugs Operation sa Naga City konsideradong Children In Conflict With the Law

NAGA CITY – Konsideradong Children In Conflict With The Law ang isang diumano’y minor de…

46 mins ago

Mababa o mataas na inflation rate mahalagang malaman ng isang mamamayan – PSA

CAMARINES SUR – Mahalagang nalalaman ng isang mamamayan ang mababa o mataas na inflation rate…

1 hour ago

Bulaeño, Top 4 sa 2024 Civil Engineering Licensure Examination

CAMARINES SUR- Muli na namang pinatunayan ng mga Bulaeño ang galing at talino sa kakatapos…

1 hour ago