LEGAZPI CITY – Naglagay ng Help Desk for Women and Children Protection ang Legazpi City Police Station sa evacuation center sa Gogon Central School, Brgy. Gogon, Legazpi City nito lamang Hunyo 9, 2023.
Ang help desk na ito ay magsisilbing dulugan ng mga babae o mga batang evacuees kung sila man ay nakakaramdam ng hindi tama sa paligid.
Ito raw ay para masiguro pa rin ang kaligtasan ng mga babae at mga bata kahit na sa loob ng evacuation centers.
Kasama rin sa mga pwedeng idulog sa help desk ay ang OFW’s concern, indigenous people concern, women and children concern, police assistance, gender based violence concern, tourist concern, at environemntal concern.
Patuloy naman ang pagbibigay seguridad at asistensiya ng mga tauhan ng Legazpi CPS sa mga apektadong residenteng lumilikas.