Lending company sa Tabuk City, nilooban ng dalawang kawatan

Nilooban ng dalawang kawatan ang isang lending company sa Tabuk City, Kalinga na ikinagulantang ng naka-duty na limang empleyado.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tabuk City Police Station, pasado alas-6:45 noong January 16, 2024 nang pasukin ng dalawang kawatan ang naturang lending company at tinutukan ng baril ang mga empleyado habang mayroon namang isa na nagsilbing look-out.

Pinadapa umano ng dalawang suspect ang mga staff ng lending company habang kinukuha ang anim na cellphones at P57,700 na pera bago tumakas.

Nagsagawa na ng hot pursuit operation ang kapulisan para sa agarang pagkakadakip ng mga kawatan habang nanawagan naman ang pulisya sa mga residente malapit sa lugar na makipag-ugnayan lamang sa kanilang himpilan kung mayroon impormasyong makakatulong sa kanilang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *