Leon Barretto at Dennis Padilla, nagkaayos na

Nagkaayos na ang mag-amang sina Dennis Padilla at Leon Barretto matapos batiin ang anak sa social media para sa ika-21 kaarawan nito.

Kasama ang picture nila ni Leon noong bata pa, naging madamdamin ang birthday message ni Dennis.

Nabatid na nagkaroon ng hidwaan ang dalawa at nagkagutan pa sa isang social media post.

Samantala, sinundan naman ito ng pagkakaayos rin ni Dennis at ng isa pa nitong anak na si Julia Barretto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *