Leon namatay dahil sa COVID-19 sa Indian zoo

Inanunsiyo ng Arignar Anna zoological park sa Chennai India ang pagkamatay ng isang leon bunsod ng COVID-19 sa loob ng kanilang zoo.

Ayon sa pamunuan ng naturang zoo, nasawi ang 9-year old lioness na si Neela dahil sa corona virus disease.

Nabatid na hindi ito ang unang kaso ng mga hayop na namatay dahil sa COVID-19.

Kamakailan lang naiulat din ang pagkamatay ng dalawang white tiger sa katabi nitong bansa na Pakistan habang ilang mga leon din ang nagpositibo sa virus sa Spain at kalapit na siyudad sa India.

Inihayag naman ng state-run zoo na napansin nila ang outbreak noong nakaraang linggo at agad naman na-quarantine at binigyan ng antibiotics ang mga apektadong hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *